Dec 2, 2009

My 2nd Job... still a working student


After kong mag "ENDO" or end of contract ako sa SM supermarket kailangan kong magkahanap ng bagong mapapasukan kaya nag apply ako sa Jollibee as Service Crew. Noong mga panahong iyon medyo strict pa ang mga fastfood pagdating sa height.. pero kahit hindi katangkaran ay nakapasa ako. Sa Jollibee Centre ako pinapunta para sa final interview ko. Dahil sa baguhan ako dito nahirapan talaga akong hanapin ang address. Bumaba ako ng Crossing sa Mandaluyong..then nagtanong ako sa Jollibee branch na nakita ko at nagtanong sa isang crew doon. Aba nginitian lang ako na para bang nang-uusig at sinabing hindi niya alam. What??? main office ng Jollibee hindi niya alam?? pikon na pikon talaga ako sa crew na iyon. Nagtanogn nalang ako sa ibang tao at naituro naman sa akin ang tamang lugar. Noong iniinterview ako ng manager tinanong niya kong Rebelde daw ba ako or Abbu Sayaf? nalamang niya kasing galing ako ng Mindanao. Hindi ko sinagot ang tanong niya, tumawa nalang ako. Dahil ba sa galing ako ng Mindanao ganun na kaagad ang expectation ng mga taga Maynila?? parang napaka unjust namang tanong na yon..Tapos tinanong din ako kung anong posisyon ang pinaka gusto ko sa Jollibee? sagot ko ay Dining Crew kung maari. Sabi ng manager ko " aba.. mukhang gusto mo pang madiscover ah..". Hahaha.. hindi naman ganun kataas ang pangarap ko dito sa maynila no. Gusto ko lang makapagtapos sa pag-aaral at makahanap ng magandang trabaho. Yun na nga at nakapasa din ako. Nagsimula ako bilang Back-up crew, taga assist sa lahat ng kitchen crew. Nagpapainit ng spaghetti at palabok sauce, taga hiwa ng spring onions, taga laga ng itlog at kung anu-ano pa. Tuwing clossing time sobra talaga akong nahihirapan dahil sa baguhan ako ginagago ako ng mga matatagal ng crew. Kahit trabaho nila pinapasa nila sa akin. Since wala namang manager kaya wala nakakakita sa ginagawa nilang yun sa akin. Ako naman natatakot na magreklamo kasi nga baguhan ako at ayoko ng alitan. Kailangan ko ng work kaya pinagbuti ko nalang ang trabaho. Dahil sa sipag at wala akong reklamo sa trabaho nalipat ako as Pantry Crew. Medyo madali ang trabaho dahil taga gawa lang ako ng Spaghetti, Palabok at Jolly Hotdog. Ang hirap pagsabayin ang school at work pero wala akong choice. Kailangan kong gustuhin ang ganitong sitwasyon ko para mas mapagaan ang lahat sa akin. Kung iisipin ko lahat ng pagod at hirap siguradong tatamarin ako kaya minu-motivate ko ang sarili ko. Para sa pag-aaral at sa kinabukasan ko. Likas yata sa mga probinsiyano ang pagiging masipag pagdating sa trabaho. Para sa akin 2 bagay kung bakit ganun. Ang isa ay dahil talagang natural siyang masipag (sanay sa hirap ng buhay) at ang isa naman ay wala lang choice (katulad ko) kailangang magpakitang gilas dahil kailangan or else baka mamatay sa gutom. Dahil sa ganitong experiences ko dito sa Maynila marami din naman akong natutunan sa buhay. Paano maka-survive ng mag-isa, tamang pakikitungo sa ibang tao at higit sa lahat pagpapahalaga sa pera...

Nov 30, 2009

Working while studying


Para makatulong ako sa sister ko i applied for a job. Kinakabahan ako dahil it will be my first job ever. Wala pa akong idea kung ano ang pakiramdam ng nagtatrabaho basta ang mahalaga sa akin ay ang kumita pandagdag sa matrikula ko. Kinabahan dahil Maynila ito, ibig sabihin kailangan ko talagang mag adjust ng malaki sa buhay na nakagawian ko. Dapat marunong akong makisama at ipakita ang sipag ko sa trabaho. Dahil sa bunso ako sa pamilya hindi ako nasanay na kumayod para mabuhay. Pero sabi ng kapatid ko mamamatay ka sa gutom dito sa Maynila pag di ka magtrabaho. Maraming trabaho sa Maynila basta huwag ka lang mapili. Una kong pinasukan ay ang SM Supermarket bilang isang bagger. Tumatanggap kasi sila ng mga empleyedo na mga studyanteng katulad ko. Aminado akong hindi pa talaga ako handang magkatrabaho pero walang akong choice. Ito ang kalakaran ng buhay ng probinsyano sa Maynila. Siyempre noong una nagpapahatid pa ako sa kapatid ko kung saang lugar ang interview ko dahil sa takot na baka maligaw. Matiyaga naman akong sinasamahan ng kapatid ko at sa awa ng Diyos natanggap naman kaagad ako. Una akong naasign sa baggage counter, medyo madali ang trabaho dahil nagtatanggap lang ako ng mga gamit ng mga customer na pumapasok sa supermarket. Pero minsan may isang customer na nagrereklamo dahil nagkapalit ang gamit niya sa gamit ng iba. Wala kaming choice kundi ma-charge sa amin ng kasama kong na-assign sa baggage counter ng araw na iyon.Kaya naman after nun sobrang ingat na talaga ako sa trabaho ko. Ayoko ng maulit pa yun dahil kailangan ko ng pera para makapamili ng mga gamit ko sa school, extrang damit dahil kaunti lang ang damit kong dala at pambili rin ng iba pang personal na bagay para sa aking sarili. Tumagal din ako ng 6 na buwan dahil expired na ang contrata ko. After ng unang trabahong ma-experience ko sa Maynila nasabi kong kaya ko ng mabuhay kahit mag-isa sa Maynila. Natutunan ko na kahit papaano ang humanap at matanggap sa trabaho.

next job ko naman ang kasunod.. keep in touch ulit..

Finally... Manila here i come...


After high school sa iloilo, natuloy din na mapadpad ako sa Maynila. Sa tulong ng aking kapatid na babae nakapag enroll ako sa STI taking Computer Science as my course. Yun kasi ang "IN" noong mga panahong iyon. Kasagsagan kasi ng mga Computer courses kaya naki-uso narin. Mahirap para sa akin ang first day of class ko dahil on-my-own lang ako. Halos magkakilala ang mga klasmates ko kaya kanya kanya sila ng grupo tapos ako nag-iisa lang. Medyo nalungkot ako dahil hindi yun ang inaasahan ko. Akala ko masaya ang first day ko sa school. Since ilonggo ako may accent akong pinagtatawanan nila.. "BISAYA" yan ang tawag nila sa akin. Totoo namang bisaya ako pero hindi ko lang mag GETS kung anong nakakatawa dun. Yung isang ilokano na klasmate namin may accent din naman pero okay lang para sa kanila. Pero ang accent ko parang isang kahihiyan. Kaya simula noon pinag-aralan ko at pinagbuti ang pronounciations ko samga salita lalo na sa tagalog. Hanggat maari mabigkas ko ng tama ang P sa F, ang E sa I at kung anu-ano pa. At the back of my mind parang sinisisi ko kung bakit hindi nai-correct noong bata pa ako, noong nag-aaral pa ako sa DSWD or noong nasa elementarya palang. Naiinsulto akong marinig ang tawanan at pang uusig nila sa nakalakihan kong pagbigkas ng mga salita. Pero naisip ko lugar nila ito kaya ako dapat ang makibagay. Kung ano ang normal sa kanila yun ang tama at kung ano ang kakaiba sa kanilang pandinig ay isang nakakatawang bagay. Lumipas pa ang maraming buwan at nag final exam na kami. After ng exam pinost ang result ang exam at hindi naman sa nagmamalaki ako ay ako ang top sa exam namin. Pumanting ang taenga ko nang biglang sinabi ang isang klasmate namin na sinong Junie Sorsano yan? classmate ba natin yan? Aba! hindi ako kilala?? nabuwesit talaga ako.. kaya sinagot ko siya... AKO! .Simula noon marami ng gustong makipag kaibigan or makipag barkada sa akin.. hay! Habang nag-aaral nag tu-tutor din ako para may extrang pera pang allowance. Actually dalawa sa classmates ko ang tinu-tutor ko. Sa awa ng Diyos pumapasa naman sila.

Next time ulit ang continuation...

Blog of an ilonggo is here

Obviously isa akong ilonggo. Isang probinsyano na naglakas ng loob na manirahan sa Maynila upang makamit ang mga pangarap sa buhay. Simpleng pangarap na napakahalaga para sa isang kagaya ko na galing sa isang mahirap na pamilya. Mabuti nalang libre ang mangarap dahil kung sakali mang may bayad ito malamang wala ako sa kinalalagyan ko sa ngayon. Ipinanganak ako sa Mindanao but my parents are both from iloilo specifically Sta. Barbara at Leganes. Sa Mindanao ako nagtapos ng elementary, sa Visayas ako nagtapos ng high school at sa Luzon ako nagtapos ng college. Lumaki akong simple lang ang pamumuhay. Makakain lang ng tatlong beses sa isang araw at may mamemeryenda lang ng kaunti ay ayos na. Magkarun ng bagong damit ngunit every Christmas lang ay ayos na (at least may bagong damit parin). Makinig sa radyo kahit walang tv ay ayos na (in fairness may fm stations naman). Isi-share ko lahat ng experiences ko dito sa Maynila for others to be inspired especially ilonggo's or probinsyano's na nangangarap katulad kong makasabay sa totoong takbo ng buhay. Hindi hadlang ang pagiging ilonggo or pagiging probinsyano para makasabay sa iba. So keep in touch always mga amiga kag amigo.